^

Bansa

Bilyun-bilyong puhunan at suporta sa West Philippine Sea nakuha ni Pangulong Marcos sa Germany at Czech Republic visits

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bilyun-bilyong puhunan at suporta sa West Philippine Sea nakuha ni Pangulong Marcos sa Germany at Czech Republic visits
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Czech Republic President Petr Pavel faced the media during a joint press conference at the Prague Castle in Czech Republic on Thursday.
PPA Pool Photos by Yummie Dingding 3 files

MANILA, Philippines — Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa matagumpay na biyahe nito sa Germany at Czech Republic na pakikina­bangan umano ng Pilipinas.

Ayon kay Romualdez, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang mga lider ng Germany at Czech Republic sa isyu ng West Philippine Sea at nangako ng bilyong dolyar na pamumuhunan matapos maka-usap si Pangulong Marcos.

“The immensely beneficial outcomes of President Marcos’ trip to Germany and the Czech Republic starkly demonstrates the crucial rule of personal interaction between leaders of nations in enhancing bilateral relations and advancing national interest,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na kapwa nagpahayag ng suporta sina German Chancellor Olaf Scholz at Czech Republic President Petr Pavel sa posisyon ng Pilipinas na dapat mangibabaw ang rules-based order, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Umabot sa US$4 bilyon o katumbas ng P220 bilyon ang halaga ng pamumuhunan na nakuha ni Pangulong Marcos para sa Pilipinas na saklaw ng magkakaibang kasunduan.

Sa Czech Republic naman, bukod sa isyu ng WPS ay napag-usapan din sa pagpupulong ang pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan, defense sector, agrikultura, renewable energy, transport, at people-to-people exchanges.

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with