MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga iskolar ng National Defense College of the Philippines (NDCP) na malaki ang maitutulong ng mga bagong defense strategies sa agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapanatili ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at hindi masasakop ng mga dayuhan.
Ginawa ni NDCP Alumni Aldin Cuña ang pahayag matapos na tiyakin ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na ipatutupad na ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) upang mapangalagaan ang katubigan ng Pilipinas.
Aniya, ang pagpopondo sa makabagong defense strategies para sa EEZ ay mahalaga upang matiyak ang food at energy security.
“Thus, the CADC is about guarding the riches future generations should enjoy, bounties we should not lose during our watch, part of national patrimony we should develop to improve the lives of our people,” ani Cuña.
Nagpahayag ng kagalakan ang NDCP na gagawan ng paraan ng pamahalaan na masolusyon ang problema sa kabila ng kakaunting resources.
Binigyan diin naman ni Commodore Jerry Simon, NDCP alumni board, pinalakas ng CADC ang diplomasya, pakikipag-alyansa upang patuloy na maipaglaban ang karapatan at national interest ng Pilipinas.
Dagdag naman ni Professor Vladimir Mata, isa pang NDCP alumni board, kung may pagbabanta kailangan ang mga bagong estratehiya.