^

Bansa

CHR probe hiniling matapos 'pamamaril' sa Pampanga demolition

James Relativo - Philstar.com
CHR probe hiniling matapos 'pamamaril' sa Pampanga demolition
Kuha ng karahasan sa demolisyon sa Sitio Balubad, Barangay Anunas sa Angeles City, Pampanga
Released/Karapatan Central Luzon

MANILA, Philippines — Umapela ng imbestigasyon mula sa Commission on Human Rights (CHR) ang isang progresibong grupo ng magsasaka kaugnay ng nangyari sa Sitio Balubad, Anunas, Angeles City sa Pampanga nitong Martes.

Ika-12 ng Marso nang mangyari ang naturang "surprise" demolition laban sa mga residente't magsasaka, bagay na nauwi sa pagkakabaril ng hindi bababa sa anim na katao.

"We condemn the violent demolition in Sitio Balubad in Anunas, Angeles City. The disputed 73 hectares of land is being claimed by Clarkhills Properties Corp.," ani Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) secretary general Ronnie Manalo ngayong Biyernes.

"Ang mga pinaghirapan ng mga magsasaka at residente na mga kabahayan at kabuhayan, nawala at nawasak na sa sunud-sunod na demolisyon."

Una nang tinukoy ng Karapatan Central Luzon ang mga armadong demolition team at Philippine National Police (PNP) bilang nasa likod ng pamamaril.

Hinihingi pa ng Philstar.com ang panig ni PNP spokesperson PCol Jean Fajardo at ng Angeles City Police Office kaugnay ng insidente ngunit hindi pa rin tumutugon ang mga nabanggit.

Setyembre 2023 nang unang pumasok ang kapaulisan at demolition team sa Sitio Balubad, bagay na nasundan pa noong ika-8 ng Pebrero. Nauwi rin ito sa karahasan.

Dahil dito, itiginil ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang negosasyon sa Clarkhills Properties Corp. at titiyaking makukuha ng gobyerno ang lupain para sa mga residente.

Karagdagang konteksto

Nakatayo ang Sitio Balubad sa mahigit-kumulang 72 ektarya ng lupaing tinatarget tayuan ng residential subdivision at business center ng naturang kumpanya.

Ayon sa KMP, saklaw ito ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) simula pa 1992. Nauwi raw ito sa pamimigay ng certificate of land ownership awards (CLOA) mula 1998 hanggang 2003. 

Gayunpaman, na-claim daw ito ng isang Vive Eagle Land dulot ng maalawakang land use conversion sa Angeles City. Dumulo aniya ito sa kanselasyon ng naturang CLOAs noong 2005. Ibinenta naman daw ng Vive Eagle Land ang landholding na ito sa Clarkhills Properties Corp. 

Wala raw kaalam-alam ang CARP beneficiaries na nakansela na ang mga naturang CLOA, dahilan para magpatuloy sa pagbabayad ng amortisasyon ang mga nabanggit hanggang 2017. Nabigyan pa aniya aang mga benepisyaryo ng Certification of Full Payment noong 2020.

"The loopholes and inherent weaknesses of the CARP which does not protect and ensure the tenurial security of its beneficiaries led to the land dispute case in Sitio Balubad. There are many more cases like this across the country," sabi pa ni Manalo.

Una nang sinabi ni Lazatin na 535 kabahayan na may 2,000 pamilya na ang natukoy na benepisyaryo ng expropriation process na magpapahintulot sa mga residenteng pagmay-arian ang lupa.

Pagkundena vs harassment ng journos

Miyerkules lang kundenahin ng CHR ang balita ng pangingipit sa ilang miyembro ng media na nagco-cover sa naturang demolisyon — bagay na naauwi diumano sa panunutok ng baril at pangunguha ng mga kagamitan.

"In separate incidents, it is reported that the demolition team of Clarkhills Properties Corporation pointed a gun at K5 News Olongapo reporter Rowena Quejada and threatened to shoot Rappler Luzon reporter Joann Manabat, who were taking videos of the demolition," sabi ng CHR.

"While threats were being made against Quejada, the armed men allegedly took her phone, bag, and wallet and also called the media 'demonyo.'"

"Likewise, we have taken cognizance of the reports that the violent demolition also injured a handful of residents in the area. We also remind all involved parties during the demolition incident to caution against the use of any violent force against civilians and media workers alike."

Kinundena ng CHR ang anumang karahasan laban sa hanay ng media lalo na't yinuyurakan daw nito ang kalayaan sa pamamahayag, bagay na posibleng makasira raw sa demokrasya ng bansa.

Miyerkules lang nang ihain ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin II ang House Resolution 1645 upang himukin ang Kamarang kundenahin at imbestigahan ang nasabing karahasan, sa layuning "depensahan ang karapatan ng mahihirap" sa pandarahas.

ANGELES CITY

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

PAMAPANGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with