^

Bansa

Philippine passport ‘for sale’ - Sen. Pia

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Philippine passport ‘for sale’ - Sen. Pia
Senator Pia Cayetano on February 21, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Naalarma ang Senate blue ribbon committee kaugnay sa pagbibigay ng pasaporte ng Pilipinas sa isang Vietnamese national.

Sa pagdinig tungkol sa tumataas na bilang ng hindi awtorisadong paggamit ng mga banyaga ng mga go­vernment documents, kinuwestiyon ni Senator Pia Cayetano kung “for sale” na ang Philippine passport.

Ibinunyag ni Senator Pia Cayetano, pinuno ng Senate panel, ang umano’y iregularidad at pinangalanan ang Vietnamese national na isang “Nguyen.”

Pero nilinaw din niya na naipa-deport na ang nasabing banyaga.

“This foreigner is using a duly issued Philippine passport. A Vietnamese national. So this Vietnamese national was recently deported by the Bureau of Immigration after being discovered in possession of a fraudulently obtained Philippine passport,” ani Cayetano.

Ayon pa kay Cayetano, napatunayan na iniisyu ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni “Nguyen.”

Nauna rito, nagpahayag ng pagkabahala ang mga senador sa pag-iisyu umano ng mga balidong pasaporte ng Pilipinas sa mga Chinese nationals na banta umano sa seguridad ng bansa.

Napaulat na ang mga dayuhan ay nagbabayad ng P500,000 para makakuha ng mga pasaporte ng Pilipinas.

PIA CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with