^

Bansa

Online content na nagsusulong ng sugal ibabawal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang mga online content na nagsusulong ng sugal.

Sa Senate Bill 2602 na inihain ni Sen. Robin Padilla, sinabi nito na dapat pigilan ang paglaganap ng pagsusugal sa internet at social media upang maprotektahan ang mga kabataan.

Ipinunto ni Padilla na naiugnay ang pagsusugal sa maraming problema katulad ng adiksyon, krimen, at “social issues” na maaaring sumira sa “moral fiber” ng bayan.

Ani Padilla, chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, layunin ng panukala ang bawasan ang pagkaka­lantad ng pagsusugal lalo sa kabataan.

Kapag naging batas, maglalabas ang Department of Justice ng “disabling order” para harangan ang online content na nagsusulong sa pagsusugal.

Kailangang sumunod sa utos ang service providers sa loob ng 48 oras ng pag-isyu ng utos.

Ang mga naglathala o nagsulong ng gambling materials online ay makukulong ng hanggang isang taon; o hanggang P500,000 multa.

Kung ang materyales ay naidugtong sa online gambling site, o kung ang gumawa nito ay nakatanggap ng komisyon para ilathala ang materyales, maaari siyang makulong ng hanggang tatlong taon o hanggang P500,000 multa.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with