^

Bansa

Hanggang 3 taong kulong vs mga 'promotor ng sugal' online isinulong

James Relativo - Philstar.com
Hanggang 3 taong kulong vs mga 'promotor ng sugal' online isinulong
An AFP journalist looks at a Gambling online website page in Washington,DC on January 17, 2019. US authorities have begun a move to ban all forms of internet gambling, reversing course from a 2011 decision and imperiling a burgeoning online wagering sector in several American states.
AFP / Eric Baradat, File

MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas ang isang senador laban sa mga gumagamit ng internet at social media para iendorso ang pagsusugal, bagay na dapat daw mapatawan ng hanggang tatlong taong kulong at kalahating milyong multa.

Sa Senate Bill 2602 ni Sen. Robinhood Padilla na inihain nitong Miyerkules, sinabing nagdudulot ang nabanggit ng sari-saring problema gaya ng adiksyon, krimen at pagkasira aniya ng "moral fiber" ng bansa.

"Considering the evolving landscape of social media platforms, this representation has been apprised of the availability of online user-generated content relating to gambling that demonstrates, promotes and provides instructions on betting or staking to the general public," banggit ng actor-turned-senator sa kanyang explanatory note.

"In this regard, this representation proposes the prohibition of online publication of materials that instruct or demonstrate gambling, commentaries and advertisements that promote awareness of gambling activities."

Ilang "online influencers" at social media pages na ang napuna noon ng grupong Digital Pinoys sa paggamit ng kanilang espasyo para mag-endorso ng sugal. Ang ilan pa rito ay idinedirehe ang netizens sa illegal gambling sites.

Layunin din daw ni Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na bawasan ang pagkakalantad ng sugal lalo na sa kabataan na siyang laging laman ng internet sa araw-araw.

Kung sakaling maisabatas ang SB 2606, bibigyang kapangyarihan nito ang Department of Justice (DOJ) na maglabas ng "disabling order" para harangan ang mga ganitong uri ng online content.

Aatasan din aniya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang bantayan kung nasusunod ang utos ng DOJ.

Kakailanganing sumunod sa utos ng service providers sa aloob ng 48 oras matapos isapubliko ang naturang kautusan.

Bilang parusa, posibleng makulong ng hanggang isang taon ang mga naglalathala o nagsusulong ng gambling materials online, o 'di kaya'y pagmumultahin ng hanggang P500,000.

Kung ang naturang materyales ay naidugtong sa online gambling site, o kung ang gumawa nito ay nakatanggap ng komisyon para rito, maaaring makulong ang nabanggit ng hanggang taaon o multang aabot ng P500,000.

GAMBLING

INFLUENCERS

INTERNET

ROBIN PADILLA

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with