126 Navy Reservists idedeploy sa Batanes

Sa pahayag ng AFP Naval Forces Northern Luzon, nasa 126 reser­vists na karamihan ay mga Ivatan o lokal na residente ng lalawigan ang sinanay para sumabak sa deployment sa lugar.
Philippine Navy/Facebook page

MANILA, Philippines — Mahigit sa 100 reser­vists ng Philippine Navy ang idedeploy sa Batanes kaugnay ng direktiba ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na palawakin pa ang presensya ng pamahalaan sa nasabing isla na nakaharap sa Taiwan.

Sa pahayag ng AFP Naval Forces Northern Luzon, nasa 126 reser­vists na karamihan ay mga Ivatan o lokal na residente ng lalawigan ang sinanay para sumabak sa deployment sa lugar.

Ang hakbang ay sa gitna na rin ng pagiging agresibo ng China na nagsasagawa ng surveillance operations sa Philippine Rise, dating Benham Rise na nasa pagitan ng karagatan ng Aurora at Isabela.

Kasunod pa rin ito ng pag-alerto ni Chinese President Xi Jinping ang tropa ng China na maghanda umano sa ‘maritime sea row’.

Ang Philippine Rise ay nasa 13 milyong hektaryang underwater plateau malapit sa Aurora.

Una rito, namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy ang presensya ng dalawang Chinese Research vessel sa bisinidad sa may bahagi ng karagatan sa Benham Rise.

Una nang inakusahan ng Beijing ang Defense Department ng “playing with fire ‘ umano sa pagdaragdag ng puwersa sa Batanes.

Magugunita na bukod sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea ay inaagaw rin ng China sa Pilipinas ang Scarborough Shoal sa Zambales sa pagsasabing pag-aari nila ang nasabing lugar habang ngayon ay nagpakita na rin ng interes ang China sa Philippine Rise.

Show comments