Palasyo: Walang holiday declaration sa Marso 11

Malacañan Palace, the official residence of the president of the Philippines, as seen from the Pasig River.
Gov.ph

MANILA, Philippines — Hindi pa idinedeklara bilang national regular holiday ang Marso 11, ayon sa Malacañang.

Naglabas ang Official Gazette ng public advisory upang kontrahin ang isang fake news na nagsasabing ang Lunes, ika-11 ng Marso, 2024, ay idineklarang holiday para sa Eid’l Fitr.

Nilinaw ng Official Gazette na ang isang dokumentong may label na “Proclamation No. 729” na kumakalat online ay “spurious.” Sa nasabing pekeng dokumento idinideklarang national holiday ang Marso 11, 2024.

Kinukumpirma ng OG na ito ay isang “tampered na bersyon” ng isang tunay na proklamasyon na inilabas noong 2019.

Ang Eid’l Fitr, isang pangunahing pagdiriwang ng Islam na minarkahan ang pagtatapos ng Rama­dan, ay tradisyonal na idineklara bilang isang national holiday sa Pilipinas.

Gayunman, ang eksaktong petsa para sa Eid’l Fitr ay nakasalalay sa pagpapakita ng crescent moon, batay sa lunar Islamic calendar.

Wala pang inilabas na proklamasyon para sa holiday ng Eid’l Fitr ngayong taon.

Show comments