^

Bansa

Walang trabaho sa bansa lumobo sa 2.15 milyon; nag-o-'overtime' dumarami

James Relativo - Philstar.com
Walang trabaho sa bansa lumobo sa 2.15 milyon; nag-o-'overtime' dumarami
Workers are seen performing their duties at a construction site in Taguig on February 7, 2024.
The STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Lalong tumaas ang unemployment rate ng bansa patungong 4.5% kasabay ng pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong Enero, ayon sa pinakabagong datos ng gobyerno.

Mas mataas na kawalang trabaho at underemployment ito kumpara noong Disyembre, na siyang nasa 3.1% at 11.9% bago magtapos ang 2023.

"In terms of magnitude, the number of unemployed individuals in January 2024 was estimated at 2.15 million," wika ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes.

Higit 'yang mas mataas kaysa sa 1.6 milyong unemployed individuals noong Disyembre 2023.

Narito ang buod ng mahahalagang datos mula sa January 2024 Labor Force Survey:

  • unemployment rate: 4.5%
  • walang trabaho: 2.15 milyon
  • employment rate: 95.5%
  • may trabaho: 45.94 milyon
  • underemployment rate: 13.9%
  • underemployed: 6.39 milyon
  • labor force participation rate: 61.1%

Pagdausdos ng job quality

Kapansin-pansing tumaas ang mga underemployment sa pagbubukas ng 2024, o 'yung porsyento ng mga manggagawa't empleyadong naghahanap nang karagdagang oras sa trabaho o hindi kaya'y dagdag trabaho.

"The country’s underemployment rate in January 2024 was recorded at 13.9 percent," dagdag pa ng PSA kanina.

"In terms of magnitude, about 6.39 million of the 45.94 million employed individuals expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work in January 2024."

Ayon sa Article 83 ng Labor Code, 40 oras kada linggo o walong oras kada araw ang karaniwang trabaho ng manggagawa o empleyado.

Gayunpaman, pumapalo sa 42.1 oras na trabaho kada linggo ang "average weekly hours" na kinayos ng mga manggagawa at empleyado nitong Enero. Katumbas 'yan ng 8.42 oras na arawang trabaho. Ibig sabihin, karamihan sa mga may trabaho ay nag-overtime.

Mas mataas ito sa 40.6 na average weekly hours na naitala para sa employed individuals noong Disyembre 2023.

Karaniwang nag-o-over time o tumataas ang under-employment sa tuwing tumataas ang presyo ng bilihin o sa tuwing nakukulangan ang nagtratrabaho sa kanyang sinasahod, bagay na nangangahulugan na pagbaba ng kaledad ng trabaho.

Kasabay ng 15-year high rice inflation

Matatandaang tumaas sa 3.4% ang inflation rate nitong Enero dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na sa pagkain.

Naitala ito sa panahong pinakamataas na rice inflation sa nakalipas na 15 taon. Ito'y kahit na ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibababa niya sa P20/kilo hanggang P30/kilo ang presyo ng bigas.

Lagpas isang linggo pa lang ang nakalilipas nang iulat ng Social Weather Stations na 44% sa mga Pilipino ang hindi umaasang magbabago sa estado ng kanilang pamumuhay, mas mataas sa mga optimistiko at mga naniniwalang lalala ito.

LABOR

OVERTIME

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNDEREMPLOYMENT RATE

UNEMPLOYMENT RATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with