Joint military exercises sa Australia, depende sa sitwasyon sa West Philippine Sea - Marcos

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos are welcomed by Australian Assistant Minister for Foreign Affairs Tim Watts and other officials as they arrived at Melbourne Airport, Australia on March 3, 2024.
PPA pool photo by Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Dahil sa lumalalang tensyon sa West Philippine Sea (WPS), pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin taun-taon ang joint military exercises ng Pilipinas at Australia.

Sinabi ng Pangulo na magiging kritikal ang pagtatakda ng military exercises ng dalawang bansa dahil nakadepende pa rin ito sa sitwasyon sa WPS kung tumataas o bumababa ang tensyon dito.

Matatandaan na may commitment ang Australia sa Pilipinas para gawin isang beses kada dalawang taon ang joint military drill dito sa bansa.

Subalit ayon sa Pa­ngulo, dahil sa tumataas na tensyon sa ilang dayuhang bansa sa WPS ay bukas siyang gawin isang beses kada taon na ang joint Philippine-Australia military exercises.

Iginiit ng Pangulo na malaki ang pakinabang ng mga Filipino dito hindi lamang sa defense and security kundi maging sa disaster preparedness and response dahil isa ang Pilipinas sa dinaraanan ng malalakas na bagyo taun-taon.

Nilinaw din ni Marcos na walang dapat pag-usapan tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Australia, dahil handa naman pareho ang Pilipinas at Australia na amyendahan o i-upgrade ang agreement depende sa pangangailangan nito.

Dalawang bansa lang mayroong VFA ang Pilipinas at ito’y ang US at Australia.

Show comments