Marcos pinaboran suspension ng 139 NFA officials

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
PPA pool photo by Noel Pabalate

MANILA, Philippines — May natuklasan pang mga bagong anomalya sa National Food ­Authority (NFA) kaya sinuspindi ang 139 opisyal at mga tauhan nito.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang aksyon at hakbang ng mga opisyal ng NFA ang walang board approval at walang nangyaring diskusyon na kasama at aprubado ng Department of Agriculture (DA) at buong gabinete na lumabag o bumalewala sa mga tamang panuntunan o guidelines.

Nangangahulugan umano ito na nagsarili sa pag­dedesisyon ang ­ilang opisyal ng kagawaran.

Matatandaan na sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang nasa 139 opisyal at tauhan ng NFA kabilang sina administrative director Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Roberto Hermano kasama ang 12 regional managers, 27 branch managers at 98 warehouse supervisors matapos ang umano’y maanomalyang pagbebenta ng murang bigas sa mga pinaborang rice trader. 

“So, we have taken the safe measure of suspending all of those who have been shown to may have been involved in any of these wrongdoings such as the anomalous sale but also the cavalier way in which the procedures that have been set out in the rules have been ignored,” ayon pa sa Presidente.

 

Show comments