^

Bansa

Imelda Marcos 'in good spirits' kahit naospital, may pneumonia

James Relativo - Philstar.com
Imelda Marcos 'in good spirits' kahit naospital, may pneumonia
Former Philippine first lady Imelda Marcos arrives for the swearing in ceremony of her son Ferdinand Marcos Jr. as the country's new president at the National Museum in Manila on June 30, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na positibo ang disposisyon ng kanyang ina at former First Lady Imelda Marcos, ito'y kahit isinugod ang nabanggit sa ospital kaugnay ng nakamamatay na pulmonya.

Una nang sinabi ni Sen. Imee Marcos na may suspected pneumonia, lagnat at ubo ang 94-anyos na dating Ilocos Norte governor.

"I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever," sabi ni Bongbong sa isang pahayag nitong Martes.

"She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever."

Bago tamaan ng karamdaman sa baga, matatandaang sumailalim sa ang dating unang ginang sa angioplasty — isang operasyong ginagawa para buksan ang baradong coronary arteries.

Nobyembre 2018 lang nang hatulang guilty ng Sandiganbayan Fifth Division si Imelda  para sa pitong counts ng graft dahil sa paglikha ng ilang priivate foundations sa Swtizerland at paghawak ng financial interest sa private sector kahit nakaluklok sa private office. Inaapela sa ngayon ang conviction.

Sa kabila ng guilty verdict, nananatiling nasa labas ng kulungan ang nabanggit matapos maghain ng P300,000 piyansa.

"She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers," dagdag pa ng presidente kahapon.

Una nang nabatikos si dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde na isasaalang-alang nila ang "edad at kalusugan" ni Imelda kaugnay ng pag-aresto sa kanya.

Patuloy na itinatanggi ni Pangulong Marcos na nagkamal ng nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan ang kanyang ama, ito kahit na ilang beses na itong kinilala ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017.

Tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ill-gotten wealth na ibinulsa ng yumaong mister ni Imelda, na kilala sa human rights violations matapos ideklara ang Martial Law.

BONGBONG MARCOS

COUGH

FEVER

GRAFT

HOSPITAL

IMELDA MARCOS

PNEUMONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with