Malacañang pinangasiwaan “Goldenberg: The Concert Series,” Filipino musicians inilapit sa kabataan
MANILA, Philippines — Layunin ng “Goldenberg: The Concert Series” na maikonekta ang mga kabataang Pinoy sa mga talentadong musician sa Pilipinas sa pagkakaloob sa kanila ng venue upang maranasan ang world-class music concerts.
Idinaos ang inaugural concert noong Sabado, Marso 2, sa makasaysayang Goldenberg Mansion sa San Miguel, Manila. Ang event ay tinampukan ng mga performance ng mga musician mula sa Manila Symphony Orchestra.
Ang Goldenberg Mansion, minsang naging tirahan ni Stella Goldenberg-Brimo, isang regular soloist sa Manila Symphony Orchestra matapos ang Second World War, ay naaangkop na pinili bilang venue. Ang tampok na pianist para sa gabi ay si Mariel Ilusorio, protégé mismo ni Mrs. Stella Goldenberg-Brimo.
Ito ang una sa mga serye ng monthly concerts na idaraos sa Goldenberg Mansion, na ang bawat isa ay magtatampok ng mga talentadong Filipino musicians at magsusulong ng pagtutulungan sa Philippine art at music community.
Layunin din ng “Goldenberg: The Concert Series” na lumikha ng kakaibang konsiyerto na pagsasamahin ang genres at art experiences, habang binibigyang-pugay ang mga kilalang heritage at cultural celebration months.
- Latest