^

Bansa

'Hulihin na': Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee dahil sa contempt

James Relativo - Philstar.com
'Hulihin na': Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee dahil sa contempt
Supporters of Apollo Quiboloy, founder of the Philippines-based Kingdom of Jesus Christ church hold a prayer rally at a park in Manila on March 4, 2024. The Philippines said March 4 it would file sexual abuse charges against a Filipino pastor who is wanted in the US for child sex trafficking. Apollo Quiboloy, a self-proclaimed "Son of God" and ally of former president Rodrigo Duterte, is the founder of Philippines-based Kingdom of Jesus Christ church.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.

Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang makunan siya ng tesimonya.

"Pursuant to Section 18 of the Rules of the Senate, as chair of the Committee, with the concurrence of one member here with me, I cite in contempt APOLLO CARREON QUIBOLOY for his refusal to be sworn or to testify before this investigation," wika ni Hontiveros.

"This committee requests the Senate President [Juan Miguel Zubiri] to order his arrest so that he may be brought to testify."

 

 

Ipinapa-subpoena ng Senado at Kamara si Quiboloy — na nag-aasang "Appointed Son of God" — kaugnay ng diumano'y reklamong sexual abuse at franchise violations ng kanyang Sonshine Media Network International (SMNI).

Kasalukuyang nagtatago si Quiboloy matapos sabihing nais siyang "ipa-kidnap" at "ipapatay" ng U.S. Central Intelligence Agency (CIA), Federal Bureau of Investigation (FBI), US Embassy at State Department kasabwat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang wanted sa Amerika si Quiboloy dahil sa reklamong child sex trafficking atbp.

Ayon sa ipinadalang liham ng abogado ni Quiboloy sa tanggapan ni Hontiveros, tumatangging humarap sa pagdinig ang pastor dahil paglabag daw ito sa kanyang constitutional right laban sa self-incrimination. Dagdag pa niya, "idineklara" na raw siyang guilty agad kinakailangang presumed innocent muna.

"If we allow witnesses of the Senate to simply claim that appearing before a committee would violate his or her constitutional right to be presumed innocent and his or her right against self-incrimination, wala na pong kapangyarihan ang ating Senado maglunsad ng mga imbestigasyon," paliwanag ng senadora. 

"Madaling-madali na lang umiwas sa mga hearing ng Blue Ribbon sa mga tiwaling opisyal, sa mga imbestigasyon ng Public Order Committee sa mga sangkot sa mga krimen. Hindi po uubra ang ganitong mga excuse!"

Kamara baka ipaaresto na rin sa Quiboloy

Ayon naman kay AKO BICOL party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ngayong araw, maaaring gayahin na nila ang Senate committee at ipaaresto na rin si Quiboloy dahil na rin sa patuloy na kabiguang humarap sa pagdinig ng Mababang Kapulungan.

Ani Bogalon, na tumatayo ring assistant majority leader, na ipinakikita nilang kailangang maging saklaw ng batas ang lahat anuman ang posisyon sa lipunan.

Wika pa ng mambabatas, susunod naman sa due process ang Kamara at Senado kung desidido talaga si Quiboloy na ipaliwanag ang kanyang panig.

Una nang hinimok ni Marcos Jr. si Quiboloy na dumalo na lang ng mga pagdinig para diretsahang masagot ang mga paratang laban sa kanya, ito habang itinatangging nais niyang ipapatay ang pastor.

Kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte si Quiboloy. Siya rin ay tumatayong spiritual leader ni Digong si Quiboloy.

APOLLO QUIBOLOY

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HUMAN TRAFFICKING

RISA HONTIVEROS

SENATE

SEXUAL ABUSE

SMNI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with