^

Bansa

P86 bilyong investment deals nakopo ni Pangulong Marcos sa Australia visit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P86 bilyong investment deals nakopo ni Pangulong Marcos sa Australia visit
We've sealed 12 deals worth PhP86 billion with our partners in Australia!
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nakakuha si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang mga relasyon sa pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Australia, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang naturang kasunduan ay bilang pagpapakita ng commitment at mabungang partnership sa ibat-ibang sector tulad ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives,  establishment of data centres, manufacturing of health technology solutions at digital health services, ayon kay Pascual.

Paliwanag pa ni Pascual, ang nasabing mga sektor ay nagpapakita sa hinaharap ng “Philippine-Australia business engagements”.

Nagsisilbi rin itong solidong pundasyon para mapa­natili ang paglago at benepisyo para sa ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.

Nagpasalamat naman si Pascual sa mga kum­panya at business leader na nagbigay ng effort para masusing gumawa ng nasabing kasunduan at tiniyak na magkakaroon ng matagumpay at mabungang implementasyon sa naturang mga proyekto.

Ang 14 business deals ay binubuo ng memoranda of understanding (MOUs) sa pagitan ng Filipino at Australian business leaders at dalawang letters of intent (LOIs) mula sa Australian business leaders na nagnanais na mamuhunan sa Pilipinas.

Kabilang sa mga MOU ang pagtatayo at pagpopondo ng isang Tier-3 Data Center na may kapasidad na 30MW-40MW sa Poro Point Freeport Zone na may lawak ng lupa na 16 ektarya; at pagpapalawak ng Next-Generation Battery Manufacturing sa Pilipinas.

Nilagdaan din ang MOU para sa deployment ng mga solusyon sa renewable energy upang mabawasan ang mga gastos sa enerhiya, umasa sa grid power, mapabuti ang sustainability at makamit ang progreso sa decarbonization.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with