MANILA, Philippines — Lalaban na ang Pilipinas sa China kapag patuloy nitong binabalewala ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang babala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Lowy Institute dito sa Melbourne, Australia.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang independent foreign policy ng bansa ang dahilan para makipag- cooperate ang bansa sa kung saan ang ating interes ang nakasalalay.
Subalit hindi na papayag sa magkaibang interes at lalaban sakaling ang sinumpaang prinsipyo tulad ng ating soberenya, sovereign rights at hurisdiksyon sa WPS ay kinukuwesyon o binabalewala.
‘’Our independent foreign policy compels us to cooperate with them on matters where our interests align, to respectfully disagree on areas where our views differ, and to push back when our sworn principles such as our sovereignty, our sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea are questioned or ignored,’’ ayon pa kay Marcos.
Ang interes umano ng Pilipinas sa rehiyon ay nakasalalay sa pagtitiyak na ang universal at unified character ng 982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay patuloy na paninindigan.
Dahil dito kaya patuloy na rin ang ginagawang upgrade sa kakayahan ng Coast Guard, modernisasyon ng Armed Forces, at ang pag-apruba ngayong taon sa planong pagbili ng makabagong kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Our forces must be able to guarantee to the fullest extent possible Filipino nationals, Philippine corporations, and those authorized by the Philippine government unimpeded and peaceful exploration and exploitation of all natural resources in the areas where we have jurisdiction including and especially our exclusive economic zone in accordance with international law,” giit pa ng Pangulo.