^

Bansa

Pangulong Marcos: Karapatan ng Pinas sa West Philippine Sea ilalaban!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Karapatan ng Pinas sa West Philippine Sea ilalaban!
Filipino fishermen fetch MV Kapitan Felix Oca at a designated rendezvous point in the West Philippine Sea on December 11, 2023.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lalaban na ang Pilipinas sa China kapag patuloy nitong binabalewala ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang babala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Lowy Institute dito  sa Melbourne, Australia.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang independent foreign policy ng bansa ang dahilan para makipag- cooperate ang bansa sa kung saan ang ating interes ang nakasalalay.

Subalit hindi na papa­yag sa magkaibang interes at lalaban sakaling ang sinumpaang prinsipyo tulad ng ating soberenya, sovereign rights at hurisdiksyon sa WPS ay kinukuwesyon o binabalewala.

‘’Our independent fo­reign policy compels us to cooperate with them on matters where our inte­rests align, to respectfully disagree on areas where our views differ, and to push back when our sworn principles such as our sove­reignty, our sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea are questioned or ignored,’’ ayon pa kay Marcos.

Ang interes umano ng Pilipinas sa rehiyon ay nakasalalay sa pagtitiyak na ang universal at unified character ng 982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay patuloy na paninindigan.

Dahil dito kaya patuloy na rin ang ginagawang upgrade sa kakayahan ng Coast Guard, moderni­sasyon ng Armed For­ces, at ang pag-apruba ngayong taon sa planong pagbili ng makabagong kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Our forces must be able to guarantee to the fullest extent possible Filipino nationals, Phili­ppine corporations, and those authorized by the Philippine government unimpeded and peaceful exploration and exploitation of all natural resources in the areas where we have jurisdiction including and especially our exclusive economic zone in accordance with international law,” giit pa ng Pangulo.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with