MANILA, Philippines — Wala umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakulangan ng lagda.
“Without a specimen signature on it, the Philippine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature,” ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ay isa sa may-akda ng Republic Act (RA) 11055 o ang PhilSys, anim na taon na simula ng maisabatas ito pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay ng kanilang ID.
Bagaman may multa ang mga hindi kikilalanin ang national ID, ipinunto nito na ang simpleng sagabal sa missing na lagda ‘di tulad ng iba pang mga valid IDs gaya ng passports, driver’s license at iba pa ang sanhi kung bakit nawawalan ng silbi ang PhilSys ID.
Sa ilalim ng RA 11055 na naisabatas noong Agosto 8, 2018 ang PhilSys national ID ay magsisilbing valid identification na maaring gamitin sa transaksiyon sa negosyo sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.
Bunga nito, hihingan niya ng paliwanag ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa kakulangan ng lagda at 12 digit permanent identification numbers mula sa nasabing ID.