44% ng Pinoy sinabing 'walang magbabago' sa estado ng buhay sa sunod na taon — SWS
MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pilipino ay naniniwalang hindi gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, habang 10% sa kanila ang naniniwalang lalala ito, ayon sa isang survey.
Ito ang ibinahagi ng Social Weather Stations (SWS) nitong Miyerkules sa harapang panayam na isinagawa nitong ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre.
Narito ang mga lumabas na datos mula sa naturang pag-aaral:
- gaganda buhay: 40%
- walang magbabago: 44%
- lalala ang buhay: 10%
- walang sagot: 5%
"The resulting Net Economic Optimism score (% Economic Optimists minus % Economic Pessimists) is +30, classified by SWS as very high (+30 to +39), " wika ng SWS kahapon.
"The latest Net Economic Optimism score is 5 points below the very high +35 in September 2023. It has been at very high levels since March 2023, following a decline from the excellent levels from December 2021 to December 2022."
Dati itong nasa "mediocre levels" na -9 noong Hulyo 2020 at -5 noong Setyembre 2020, bago pumihit sa "high" na +24 in Nobyembre 2020 noong unang taon ng COVID-19 pandemic, panahong kaliwa't kanan ang lockdown at pagbagsak ng ekonomiya.
Sinasabing bumaba ang "net economic optimism" sa Balance Luzon at Mindanao sa naturang panahon, habang umakyat naman ito sa Metro Manila at Visayas:
- Metro Manila: +36
- Balance Luzon: +30
- Visayas: +25
- Mindanao: +32
"Net Economic Optimism was highest among those who either graduated from college or took post-graduate studies (very high +35), followed by those who either finished junior high school, had some vocational schooling, had some senior high school, finished senior high school, completed vocational school, or attended some college (or junior high school graduates) (very high +34)," sabi pa ng SWS.
"[This was followed by] those who either finished elementary or had some high school education (or elementary graduates) (high +24), and those who either had no formal education or some elementary education (or non-elementary graduates) (high +22)."
Ginawa ang December 2023 survey sa 1,200 katao habang kumukuha ng tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Sinasabihing hindi kinomisyon ninuman ng pag-aaral at ginawa ng SWS bilang serbisyo publiko. Nasa ±2.8% ang sampling error margins para sa national percentages habang ±5.7% ito sa iba pa.
- Latest