^

Bansa

Marcos pabor isabay Cha-cha plebiscite sa 2025 polls

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil mas praktikal at mas tipid, pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay ang plebesito sa Charter change (Chacha) sa 2025 mid-term elections.

Sa ambush interview sa Maharlika Hangar sa Pasay city, bago magtu­ngong Canberra, Austra­lia, sinabi ni Pangulong Marcos, na mahirap na mauna ang plebesito dahil mabubulilyaso ang preparasyon para sa eleksyon.

Bukod dito, kung paghihiwalayin pa anya ang eleksyon at plebesito ay napakamahal dahil parang lalabas na dalawang eleksyon ito, kaya pinag-aaralan na nila itong mabuti kung pagsasabayin para malaki ang matipid ng pamahalaan.

“Pinag-aaralan talaga namin ‘yun dahil kung paghihiwalayin natin ‘yung— kung paghihiwalayin natin ‘yang election at saka ‘yung plebiscite, parang dalawang eleksyon ‘yun eh, napaka mahal. So, baka maari kung isama natin ‘yang plebisito sa local elections na gagawin sa Mayo next year. Mala­king bagay ‘yun, malaking savings para sa atin ‘yun kaya’t ‘yun, pinag-aaralan naming Mabuti,” ayon pa kay Marcos.

Sa kabila nito, aminado naman ang Presidente na maaaring may kaharapin na balakid ang plebesito.

Pero aminado ito na maaaring may kaharapin na balakid ang plebisito dahil iba ito kaya dapat na busisiing mabuti ang mekanismo para dito.

vuukle comment

HARTER CHANGE S

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with