MANILA, Philippines — Pinagdo-donate ng organ ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang publiko upang matulungan ang mga pasyenteng may sakit sa kidney at iba pang uri ng sakit.
Sinabi ni NKTI Chief Transplant Coordinator Peter Paul Plegaria na maraming pasyente ang nangangailangan ng organ transplant subalit kapos sa organ na gagamitin sa transplant.
Sa kaso ng chronic kidney disease (CKD), sinabi ni Plegaria na tinatayang 2.3 milyong Pilipino ang may sakit nito, at kada oras ay isang Pilipino ang nagkakaroon ng kidney failure o katumbas ng 120 million Filipinos per population kada taon.
Hinikayat nito ang mga Pilipino na maging organ donors upang makatulong na dugtungan ang buhay ng mga kidney patients.
Sa kasalukuyan ay mayroong 38 transplant centers sa Pilipinas, 10 dito ay nasa government hospitals habang 27 sa mga pribadong ospital.
Isinusulong din ng NKTI ang Deceased Organ Donation Program mula sa mga pasyenteng naaksidente o na-stroke na mga pasyente sa pamamagitan ng kasunduan sa trauma hospitals at healthcare facilities.