MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Senado ang kontrobersyal na gluta drip session ng aktres na si Mariel Padilla sa loob mismo ng tanggapan ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla.
Sinabi ni Sen. Nancy Binay, chairperson ng Senate Committee on Ethics and privileges, na bagamat hindi naman Senador ang aktres, kailangan pa rin itong siliping mabuti dahil may kaugnayan ito sa integridad at reputasyon ng Senado at kalusugan.
Paliwanag pa ni Binay, nakakabahala rin ang IV procedure ni Mariel dahil ginawa ito ng walang abiso sa clinic ng Senado.
Idinagdag pa ng Senador na mismong ang Department of Health (DOH) ang nagsabi na bawal at hindi ligtas na gumagamit ng gluta drip.
Ang gluta drip ay mala dextrose na paggamit ng glutathione na isang uri ng anti-oxidant.
Nauna nang nagpost sa kanyang instagram ang aktres na nagpapa-gluta drip siya habang nasa opisina ng asawang senador.
Umani naman ng maraming batikos ang nasabing instagram post na kinalaunan ay binura na rin ng aktres.
Humingi naman ng paumahin si Sen. Padilla sa mga netizens kung may nakita silang mali na ginawa ng kanyang asawa na anya ay wala namang masamang intensyon, kaya nakakatawa na naging isyu pa ito.