MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na sa pribadong sektor ang pamahalaan para matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Ito ay matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Health Sector Group.
Ayon kay PSAC Health Sector Lead Paolo Borromeo, President and CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc., na sa ilalim ng Clinical Care Associates Program para sa underboard nursing graduates, nasa higit 300 na ang na-hire sa iba’t ibang ospital sa bansa.
Para matulungan ang mga CCA na maging nurses, naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng P20 million para sa board reviews ng 1,000 Clinical Care Associates (CCAs) para ngayong taon.
Ayon kay Borromeo, magpapatuloy ang CCA recruitment para sa November 2024 nursing board examination, at gagawin rin ito para sa 2025 board exams.
Habang ang Enhanced Master’s Nursing Program sa halip na tatlong taon ay mas pinaiksi ito ng CHED ng isang taon na lamang para makapagturo ang mga graduate nito.
Ang Enhanced Master’s Nursing Program naman, imbes na 3 taon ay pinaiksi ng CHED sa isang taon na lang para makapagturo agad ang mga gradute nito.
Sa bilateral labor agreements sa ibang bansa, mayroon nang naselyuhang kasunduan sa Austrian government para sa scholarships, faculty support, at adopt-a-school/hospital scheme.