President's guest house ang Laperal Mansion: Hugot sa kulturang Pinoy
Bilang bahagi ng commitment ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na pahalagahan at pangalagaan ang kasaysayan ng bansa habang pinalalakas ang ating diplomatic ties, isang tour sa most historic homes ng bansa ang inorganisa para sa mga ambassador na nakatalaga sa Pilipinas.
Ang tour ay pagpapakita sa kultura ng mga Pilipino at bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng Pangulo na maibalik at mapangalagaan ang Philippine heritage sites.
Ang mga diplomat ay winelcome sa Goldenberg Mansion, isang dating Presidential guest house at katabi ng Teus Mansion, isang 19th-century home na kasalukuyang kinalalagyan ng Presidential Museum.
Ang mga ambassador ay inilibot sa exhibits na nakatala ang evolution ng Philippine leadership — kabilang ang kanilang mga tagumpay at pitfalls. Ang Teus ay nagsisilbi ngayong treasure trove ng priceless pieces ng Philippine history.
Ang tour ay nagpatuloy sa Bahay Ugnayan, isang tahanan na humahawak sa “Road to Malacañang” ng kasalukuyang presidente, isang kaakit-akit na kaalaman sa kanyang milestones patungo sa kanyang pagbabalik sa Palasyo.
Ang lahat ng tatlong historic homes ay ibinalik bilang museums, at bukas sa publiko, na walang bayad.
Tampok sa tour ang surprise visit sa newly restored Laperal Mansion, ang crown jewel ng group of residences.
Matatagpuan sa Arlegui Sreet na katabi ng Malacañang Palace, ang eleganteng European mansion ay nilagyan ng tropical touches at tinatampukan ng 14 meticulously designed bedrooms at dalawang sun rooms na ipinangalan sa mga dating presidente, na pawang ginawa ng pinakamahuhusay na artisans at designers ng bansa.
Ang home ay mayroon ding tatlong state rooms, na ipinangalan bilang pagpupugay sa tatlong personalidad na pundasyon ng kasaysayan ng Pilipinas: Magellan, MacArthur at Rizal. Ang pagtutulungan ay nagresulta sa pagbuhay sa pamana, isang pagpapakita ng local talent, at pagdiriwang ng foreign diplomacy.
Ang Laperal Mansion ay nakatakdang magsilbing official presidential guest house para sa foreign heads ng state o government. Nagpapakita ito ng hospitality ng mga Pinoy at ng pagnanais ng pangulo na palakasin at palawakin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga partners nito sa international community.
- Latest