^

Bansa

P100 umento sa sahod ng non-minimum earners itinulak kontra 'wage distortion'

James Relativo - Philstar.com
P100 umento sa sahod ng non-minimum earners itinulak kontra 'wage distortion'
Workers sort fishes on the production line of canned sardines inside a manufacturing plant in Santo Tomas, Batangas on March 1, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Para sa isang economic think tank, hindi magiging problema ang "wage distortion" kahit magbigay pa ng umento sa sahod ng minimum wage workers — basta't sabay nitong lolobo ang take-home pay ng "above minimum" earners.

Inilulutang kasi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangambang ito matapos ipasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2534, bagay na naglalayon ng karagdagang P100 sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa.

"[K]ung mag-across-the-board [wage hike tayo] ay walang mangyayaring wage distortion. Sa pag-compute ng IBON ay kayang-kaya naman ng mga employer magbigay ng P100," ani IBON Foundation executive director Sonny Africa sa Philstar.com ngayong Miyerkules.

"Iyong 'wage distortion' ay nangyayari dahil hinihiwalay ang usapin ng minimum wage sa wages na mas mataa[s]. Repleksyon ito ng pagtitipid ng employer na hangga't maari ay magatataas ng sahod lamang hanggang sa required ng batas."

Layunin ng SB 2534 na "pagaanin ang pasanin" ng mga manggagawang sumasahod lamang ng minimum wage, bagay na nakapako sa P573 hanggang P610 sa Metro Manila. Ito ang pinakamataas sa bansa.

Malayo ito sa P1,193/araw na "family living wage" sa National Capital Region, bagay na kailangan aniya para mabuhay nang disente ang pamilyang may limang miyembro. 

Ano ba ang 'wage distortion' na 'yan?

Hindi ia-apply ang SB 2534 sa mga manggagawa't empleyadong sumasahod nang lagpas sa minimum — bagay na pwede aniyang pagmulan ng "wage distortion," ani Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

"[Dahil] sa pagkakaroon ng bagong minimum wage, magkakaroon po ng... pagkabawas o severe contraction [sa] differences sa mga wage level [ng may mababang posisyon kumpara sa may mataas na posisyon]," ani Laguesma sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

"Ang chain reaction ng mga karagdagang sweldo, umaabot 'yan hanggang managerial level eh. Siyempre ayaw mo ng demoralisasyon sa hanay ng iyong mga manggagawa irrespective ng kanilang kategorya."

Para maibalik ang mga gap na ito sa sahod, kakailanganin pang i-negotiate ng mga unyon o manggagawa na isabay sila sa pagtataas ng sahod sa pamamagitan ng Article 124 ng Labor Code.

Ang posibilidad ng wage distortions ang isa sa dahilan nina Africa kung bakit across-the-board dapat ang increase. Una nang inimungkahi ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) ang solusyong ito.

'Sahod kaysa Cha-Cha'

Sinalubong naman ng protesta ng Kilusang Mayo Uno ang Kamara habang hinihikayat ang mga mambabatas na magbalangkas ng counterpart bill ssa SB 2534, ito habang binabanatan ang mga naunang pahayag kontra dito ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) atbp.

"Those statements are a brash denial of the woes workers face every day and our right to decent living conditions," wika ng KMU kanina.

"We believe that holding hearings and providing platforms for workers to air out our concerns would be a far more beneficial and worthwhile effort than pushing for Charter Change. We expect the Congress to prioritize passing legislation for the workers who drive the economy."

Matatandaang tinutulan ng ECOP ang panukalang dagdag sahod sa dahilang makakaapekto ito sa micro, small and medium enterprises (MSMEs)

Gayunpaman, sinabi nina Africa na katumbas lang ng 7.5% ng MSME profits ang ang P100 minimum wage hike. Karamihan din aniya ng mga manggagawa ay nasa malalaking kumpanya (54.4%).

BUSINESS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ECONOMY

EMPLOYERS

IBON FOUNDATION

INFLATION

WAGE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with