^

Bansa

Marcos kakasuhan Tsino sa WPS cyanide fishing 'kung sapat batayan'

James Relativo - Philstar.com
Marcos kakasuhan Tsino sa WPS cyanide fishing 'kung sapat batayan'
Litrato ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ika-16 "Ani ng Dangal" na ginanap sa Metropolitan Theatre, Manila nitong ika-20 ng Pebrero, 2024
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang paghahain ng kaso laban sa mga Tsinong mangingisda kung makitaan ng sapat na batayan ang diumano'y paggamit nila ng lasong cyanide sa West Philippine Sea.

Sabado lang nang ibulgar ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang "sadyang pagsira" sa Bajo de Masinloc, bagay na ginagawa aniya para mapigilang mangisda ang mga Pinoy.

"If we feel that there is an enough ground to do so, we will [file charges against the Chinese fishermen]," wika ni Marcos nitong Martes sa Maynila matapos matanong sa isyu.

"I do know that there are cases of cyanide fishing before even here in the Philippines, but I think the reason that it has been more alarming is that it has become more prevalent kaya ‘yun ang inaalala natin."

Lunes lang nang pabulaanan ni Chinese Foreign Affairs spokesperson Mao Ning ang alegasyon ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, habang idinidiing prinoprotektahan nila ang Huangyan Dao (tawag ng Tsina sa Bajo de Masinloc) sa dahilang "sila ang may soberanya rito."

Naninindigan ang Beijing na kanila ang naturang erya kahit nasa loob ito ng West Philippine Sea, bagay na saklaw ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas. Taong 2016 pa nang balewalain ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line claim sa South China Sea. 

Sa pag-unlad ng kaso, inatasan na ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang BFAR para mangalap ng ebidensya para suportahan ang diumano'y pagggamit ng mga Tsino ng nakalalasong cyanide.

Desisyon na ni Marcos

Inilinaw naman ni Solicitor General Menardo Guevarra na nasa kamay na ng presidente kung maghahain ng environmental charges laban sa Tsina.

"The [Office of the Solicitor General's] task is to present legal options to the Philippine government, but the decision to commence any legal action lies with the president in consultation with the National Task Force on the WPS," ani Guevarra kahapon.

"A possible complaint for environmental damage is one of these options. The recent report on the use of cyanide off Scarborough shoal, serious as it is, needs careful factual verification."

Dagdag pa ng abogado ng gobyerno, kailangang tiyakin na malakas at masusuportahan ng malakas na ebidensya ang anumang ligal na hakbang, bagay na pasado dapat sa mapanuring mata ng international tribunal.

Lumulutang ang isyu sa gitna ng patuloy na harassment ng Beijing sa mga Pilipino sa West Philippine Sea habang may malapit na relasyon si Marcos kay Chinese Presidente Xi Jinping. — may mga ulat mula kay Ian Laqui

BAJO DE MASINLOC

BEIJING

BONGBONG MARCOS

CHINA

CYANIDE

PANATAG SHOAL

SCARBOROUGH SHOAL

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with