MANILA, Philippines — Kakasuhan ng Pilipinas ang China kaugnay sa ulat ng cyanide fishing ng mangingisdang Chinese sa Bajo de Masinloc.
Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 16th Ani ng Dangal Awards sa Manila, sinabi nito gagawin ang pagsasampa ng kaso kung may makikitang sapat na basehan ang gobyerno.
“If we feel that there is enough grounds to do so, we will,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, base sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, may ginagamit na cyanide sa Bajo de Masinloc.
“The best that we know is that there really is as far as we can tell. Sabi ng BFAR talagang merong ginagamit, meron naman nagsasabi matagal nang ginagawa iyan,” pahayag ni Marcos.
“And I do know that there have been cases of cyanide fishing before even here in the Philippines but I think the reason that it has been more alarming is that it has become more prevalent,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang isinumbong ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa BFAR na gumagamit ng cyanide ang mga mangingisdang Chinese.