Life expectancy ng Pinoy, humaba sa 71.79 taon
MANILA, Philippines — Bahagyang humaba ang buhay ng mga Pilipino makaraang tumaas ang “life expectancy” sa bansa, ayon sa istatistika mula sa United Nations (UN).
Sa datos, maaaring mabuhay ngayon ang mga Pilipino hanggang 71.79 taon. Bahagyang mataas ito kumpara sa 71.41 taon noong 2021.
Ito ay makaraang magtapos ang COVID-19 pandemic sa bansa at bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.
Sa buong mundo, pinakamahaba ang buhay ng mga taga-Hong Kong at Japan na mayroong 85 taon na life expectancy, habang pinakamababang mabuhay ang mga taga-Central African Republic na mayroon lamang itinatagal na 54 taong gulang.
Sa depenisyon ng UN, ang “life expectancy” ay ang average na bilang ng taon na maaaring mabuhay ang isang bagong silang kung daraan siya sa lahat ng uri ng pamumuhay sa kinalakhang lugar.
- Latest