^

Bansa

DepEd 'no comment' sa panukalang P50k minimum salary ng entry-level teachers

James Relativo - Philstar.com
DepEd 'no comment' sa panukalang P50k minimum salary ng entry-level teachers
Students of the Marikina Elementary School in Marikina City attend a two-hour class orientation before the formal school opening on August 23, 2023.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Imbis na sumang-ayon o tumutol, aantayin muna ng Department of Education (DepEd) ang pananaw ng World Bank tungkol sa isyu ng pagtataas ng sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

'Yan ang pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa ngayong Huwebes ilang araw matapos ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 9920 — bagay na nagtatakda sa minimum salary ng mga guro sa P50,000.

"We cannot comment on the amount because we are still waiting for the study from the World Bank," ani Poa sa isang statement na ipinadala sa mga reporters ngayong araw.

"We are expecting preliminary results from the World Bank in a few weeks. They are just requesting for additional data from DepEd which we are now processing."

Una nang iniulat ng state-owned Philippine News Agency na kasalukuyang inaaral ng World Bank ang mga sweldo ng guro sa Pilipinas, bagay na isusumite rin daw kalaunan sa tanggapan ni Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd

Layunin ng HB 9920 na inihain ng ACT Teachers party-list, Kabataan party-list at Gabriela Women's party na tiyaking nakasasapat ang sahod ng mga gurong Pilipino, lalo na't nasa Salary Grade 11 lang aniya ang iniuuwi ng ilang mid-level personnel gaya ng mga public school teachers.

Katumbas ang Salary Grade 11 ng P22,316 hanggang P24,391 buwanang sahod, alinsunod sa na rin sa Salary Standardization Law.

Wala pa ito sa P25,946/buwan na family living wage (FLW) para sa mga pamilyang nakatira sa Metro Manila, ayon sa estima ng IBON Foundation.

Tinatalakay sa ngayon ang planong pagtataas sa minimum na sweldo habang pinag-uusapan sa ngayon ang P100 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor. — may mga ulat mula kay Cristina Chi

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

MAKABAYAN BLOC

MINIMUM WAGE

TEACHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with