LGUs na kampeon sa nutrition program, pinuri

Senator Francis Tolentino on January 16, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang mga local government units (LGUs) na ginawaran ng National Nutrition Council (NNC) bilang Nutrition champion dahil sa pagiging huwaran sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang pagpuri sa mga LGU ay ginawa ni Tolentino sa 2023 National Nutrition Awarding Ceremonies na ginanap noong Lunes sa Manila Hotel kung saan ay nagsilbi siyang panauhing pandangal.

“This is a fulfillment of our country’s commitment to one of the Universal Declarations of Human Rights— the right to adequate food,” ayon kay Tolentino.

Idinagdag ng senador na hindi ito mangyayari kung wala ang pagtutulungan, pagkakaisa, sakripisyo at pasensya hindi lang ng mga Barangay Nutrition ­Scholars, kundi pati na rin ng komunidad mismo kasama ang tulong ng LGU.

Si Sen. Tol, isang hall of famer para sa Green Banner Seal of Compliance noong panahon niya bilang alkalde ng Tagaytay City, ay nagpaalala rin sa mga LGU na ipagpatuloy ang paglalagay sa kalusugan at nutrisyon bilang pangunahin nilang concern sa komunidad.

“The awardees should remain as a continuing reminder for the entire nation that health and nutrition should be the topmost concern of all LGUs nationwide,” giit ng mambabatas.

Dagdag pa rito, sinabi ng senador na ang hindi natitinag na pagsisikap ng NNC ay patunay ng nagkakaisang pananaw ng gobyerno na magbigay ng mabuting nutrisyon sa lahat ng Pilipino.

Show comments