88,800 dumagsa sa unang araw ng voter registration para sa halalang 2025

Marikina residents line up for new voter's registration at Marikina Comelec office on Monday, July 4, 2022.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng Commission on Elections (Comelec) ang malaking bilang ng mga bagong botante sa pagbubukas ng rehistration period para sa eleksyong 2025.

Ayon sa datos na ibinahagi ni Comelec chairperson George Garcia ngayong Martes, humataw na sa 88,809 katao ang nagparehistro sa unang araw nito noong Lunes.

"Marami po ang dumagsa sa unang araw ng voter registration kahapon," ani Garcia sa isang paskil sa X (dating Twitter) ngayong Martes.

"Magparehistro na po tayo para makaboto. Maraming salamat po!"

Pinakamarami sa mga nagparehistro ang mga taga-CALABARON sa bilang na 14,754, bagay na sinundan ng naman ng Metro Manila (10,623).

Narito ang kumpletong bilang ng mga nagparehistro kada rehiyon kahapon:

  • Ilocos Region: 6,705
  • Cagayan Valley: 3,430
  • Cordillera Admiinistrative Region: 1,172
  • Central Luzon: 10,143
  • National Capital Region: 10,623
  • CALABARZON: 14,754
  • MIMAROPA: 1,508
  • Bicol Region: 3,349
  • Western Visayas: 4,474
  • Central Visayas: 7,890
  • Eastern Visayas: 3,444
  • Zamboanga Peninsula: 3,162
  • Northern Mindanao: 4,197
  • Davao Region: 4,713
  • SOCCSKSARGEN: 3,846
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: 1,781
  • CARAGA: 3,206
  • Main Office: 412

"Sa pinagsama-samang pagtutulungan ng COMELEC at ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan, sisikapin naming maabot ang humigit kumulang na dalawang hanggang tatlong milyongg karagdaganang botante at mga reactivated voters para sa May 2025 National and Local Elections," wika ng Comelec sa hiwalay na pahayag kahapon.

Mananatili ang Register Anywhere Program ng polling body hanggang ika-31 ng Agosto 2024, habang ang voter's registration, kasama ang mga mall/offsite stellite registration, ay tatagal hanggang ika-30 ng Setyembre 2024.

Show comments