12 sugatang sundalo na sumagupa sa Dawlah Islamiya-Maute group inayudahan ni Pangulong Marcos

Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na ­nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group na sangkot sa pambobomba sa Mindanao State University-Marawi noong Enero. Kasalukuyang nagpapagamot ang 12 sundalo sa Army ­General Hospital sa Taguig.
Armed Forces of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Binigyan ng pinansyal na ayuda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 12 sundalo na nasugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng militanteng Dawlah Islamiya-Maute Group na sangkot sa pambobomba sa Mindanao State University-Marawi noong nakaraang buwan.

Kasalukuyang nagpapagamot ang 12 sundalo sa Army General Hospital (AGH) sa Taguig.

Ginawaran din ni Pangulong Marcos ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal ang apat na nasugatan.

Sa “Talks with the Troops”, sinaluduhan ng ­Pangulo ang katapangan at dedikasyon ng mga sundalo para maprotektahan lamang ang mga Filipino at ang bayan sa anumang uri ng banta.

Siniguro rin ni Marcos na patuloy ang pagsuporta ng administrasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa kanilang pamilya.

Show comments