1 sa 7 binatilyong Pinoy, gumagamit ng vape – DOH
MANILA, Philippines — Isa sa bawat pitong lalaking Pilipino na may edad 13-15 taong gulang ang gumagamit na ng vape at e-cigarettes.
Katumbas ito ng 14% porsyento ng vape users sa naturang age group.
“This means that the number of minor teenagers who are now using vaporized products, even if they never did smoke or vape before, has increased,” ayon sa Department of Health (DOH) base sa 2019 Global Youth Tobacco Survey (GYTS).
Tinukoy ng DOH ang ipinatutupad na Republic Act 11900 o ang Vape Law na ipinasa noong 2022, na ibinababa ang paggamit ng vape mula sa 21-taong gulang tungo sa 18-anyos na lamang.
Sa kabila nito, naniniwala ang kagawaran na hindi pa huli ang lahat para huminto ang mga kabataan sa paggamit at pagkagumon sa vape at mga tobacco products.
- Latest