^

Bansa

Duterte lumabag sa saligang batas - political analyst

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok sa incitement to sedition sa ilalim ng Revised Penal Code’s Article 142 ang mga panawagan ni dating Pangulong Rodrigo  Duterte sa mga pulis at militar na kumilos para protektahan ang konstitusyon laban sa ilegal na Charter Change.

Ayon sa political analyst na si Atty. Barry Gutierrez, alanganin ang mga pahayag na ito ni Duterte.

“Nanawagan siya sa pulis at sa military na di ba? Na kung kailangan na sila ay kumilos para protektahan daw ang konstitusyon laban dito sa illegal na cha-cha [charter change]. ‘Nung mga sumunod na araw, sinabi niya na dapat daw ang Mindanao bumaklas na, tumiwalag na sa Pilipinas, magbuo na ng sariling estado,” sabi ni Gutierrez base sa mga pahayag ni Duterte.

Sa ilalim anya ng revised penal code, ang mga ganoong klaseng panawagan ay pwede nang ituring na violation ng Article 142 o inciting to sedition.

Sabi ni Gutierrez, ang bahagi ng naturang batas ay nagbibigay parusa sa mga nagbabanta na pahinain ang gobyerno.

“Ang isang tao [na] nagbibitaw ng salita na maa­aring makapagpahina ng pamahalaan o makahimok o matulak ang ating mga kababayan na pumasok sa isang pagkilos para pabagsakin ang pamahalaan o tanggalin ang bahagi ng ating teritoryo o tanggalin ang loyalty ng anumang bahagi ng armed forces or ng kapulisan mula sa loyalty nila sa gobyerno,” dagdag ni Gutierrez.

Anya, tanging Pangulo lamang ng bansa ang may kapangyarihan na umaksyon sa mga nagbabanta ng demokrasya pero maari ring gawin ng ordinaryong Filipino.

“Sa ilalim ng ating saligang batas naman basta krimen ay kahit sino pwedeng magsampa ng reklamo hindi kailangang gobyerno. Kung sino mang nakarinig ‘nun, kung sino mang nagsusubaybay at medyo naalarma duon sa sinabi ni da­ting Pangulong Duterte, posibleng magsampa ng reklamo,” pahayag ni Gutierrez.

CHARTER CHANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with