2 mananaya biglang milyonaryo sa hiwalay na lotto draw sa parehong araw

Residents line up to place their bets at a lotto outlet along Paz and San Antonio Streets in Paco, Manila on January 22, 2024.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Instant milyonaryo ang dalawang mananaya matapos mapagwagian ang magkahiwalay na P8.39 milyon at P7.34 milyong jackpot prize para sa Lotto 6/42 at 6D Lotto.

Ito ang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ibola ang lucky numbers na 6-0-9-1-5-7 para sa 6D Lotto at 27-23-31-20-14-28 para sa Lotto 6/42 nitong Martes.

Wala pa namang binabanggit ang PCSO kung saang lungsod o probinsya nabili ang dalawang winning ticket.

Gayunpaman, hindi makukuha ng dalawang bettor ang kabuuan ng P8,394,151 at P7,341,411.40 jackpot prize alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Alinsunod sa naturang batas, kinakailangang buwisan ang lahat ng lotto winnings na lagpas P10,000.

Kinakailangang makuha ang mga naturang winnings sa loob ng isang taon matapos ang araw ng pagbola ng mga numero upang maiwasang ma-forfeit patungo sa charity fund ng PCSO.

Nangyari ang naturang pagkapanalo ilang linggo matapos ang kontrobersiyal na pag-e-edit ng PCSO sa litrato ng lotto winners, maliban pa sa paggisa ng Senado kay PCSO General Manager Mel Robles dahil sa dami ng nananalo kamakailan ng milyun-milyon sa lotto.

Show comments