Magnitude 5.4 na lindol niyanig Pagudpud, Ilocos Norte

Makikitang lumilikas ang mga empleyado ng gobyerno mula sa Ilocos Norte Capitol matapos ang magnitude 5.4 na lindol, ika-7 ng Pebrero, 2024
PNA

MANILA, Philippines — Tinamaan ng malakas na magntude 5.4 na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon ngayong tanghali, bagay na inaasahang magdudulot ng pinsala.

Ayon sa Phivolcs, bandang 12:05 p.m. nang maitala ang lindol 15 kilometro hilagangkanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte. Sinasabing "tectonic" ang pinagmulan nito.

Intensity V (strong)

  • Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Dingras, Dumalneg, City of Laoag, Pagudpud, Pasuquin, Sarrat, at Vintar, ILOCOS NORTE
  • Lacub, ABRA

Intensity IV (moderately strong)

  • Magsingal, ILOCOS SUR

Intensity III (weak)

  • City of Ilagan, ISABELA

Intensity II (slightly felt)

  • Peñablanca, CAGAYAN

Una nang naibalitang umabot ng lindol ng magnitude 5.9 ngunit agad ding nirebisa ng state seismologists.

Makikitang napilitang lumikas ang mga tauhan ng Provincial Government ng Ilocos mula sa provincial capitol dahil sa lakas ng lindol.

 

 

 

Samantala, pinabulaanan naman ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang kumakalat na disinformation tungkol sa pagsususpindi diumano ni Gov. Matthew Marcos Manotoc ng trabago at klase sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan kasunod ng lindol.

Inaasahan ng Phivolcs ang posibleng pinsala at mga aftershocks dulot ng naturang pagyanig.

Wala pa namang inilalabas na tsunami alert ang mga dalubhasa sa ngayon.

Show comments