Pangulong Marcos dinedma si Duterte sa hirit na ihiwalay Mindanao

Sa pulong balitaan sa Malakanyang kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., sinabi nito na dedma ang Pangulo sa panawagan ni Duterte na “One Mindanao” sa kanilang sectoral meeting kahapon.
Google Map

MANILA, Philippines — Hindi na pinatulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., sinabi nito na dedma ang Pangulo sa panawagan ni Duterte na “One Mindanao” sa kanilang sectoral meeting kahapon.

Sa tingin pa ni Abalos, sa lahat ng mga nakakita at nakarinig ng nasabing panawagan mula Luzon, Visayas, Mindanao ay wala itong mahihikayat dahil na rin sa pagmamahal sa bayan.

Bukod dito nagkakaisa na rin umano ang mga taga Mindanao para bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.

Nilinaw din ng kalihim na sa kasalukuyan ay wala rin namomonitor ang DILG at Philippine National Police (PNP) sa ground kung mayroong mga hakbang sa panawagan ni Duterte at lagi rin itong binabantayan ng kanilang intelligence community.

Ipinauubaya naman niya sa Department of Justice (DOJ) kung kakasuhan ng sedition si Duterte dahil sa panghihikayat ito sa publiko na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Aba­los na hindi rin cause of concern at walang espisipikong utos ang presidente sa nasabing panawagan ni Duterte.

Anya, malinaw na paglabag sa Saligang batas kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Show comments