'Expecting damages': Mt. Province binayo ng magnitude 4.7 na lindol

Litrato ng Tadian, Mountain Province
Released/Phivolcs

MANILA, Philippines (Updated 6:14 p.m.)— Niyanig ng isang magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Mountain Province ngayong Martes, bagay na tinatayang nakapipinsala.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang earthquake 5 kilometro hilagangkanluran ng Tadian, Mountain Province bandang 12:20 p.m. ngayong araw.

Ito pa lang ang naitatalang intensities sa ngayon:

Intensity IV (moderately strong)

  • Tadian at Bauko, MOUNTAIN PROVINCE
  • Lamut, IFUGAO
  • Bayombong, NUEVA VIZCAYA

Intensity III (weak)

  • Banayoyo, ILOCOS SUR
  • Sagada, Bontoc, at Besao, MOUNTAIN PROVINCE

Intensity II (slightly felt)

  • Villasis, PANGASINAN
  • Lubuagan at Tinglayan, KALINGA
  • City of San Fernando, at Sudipen, LA UNION
  •  CITY OF BAGUIO
  • La Trinidad, at Itogon, BENGUET

Tinataya ng state seismologists na magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Sa kabutihang palad, wala pa namang inaasahang aftershocks (susunod na mas mahihinang lindol sa parehong lugar) at tsunami (pagragasa ng alon dahil sa lindol) kaugnay ng insidente.

Una nang naiulat ng Phivolcs na umabot sa magnitude 4.9 ang naturang lindol ngunit nirebisa rin ngayong hapon.

Show comments