^

Bansa

Kita ng Mamasapano rice farmers dumoble — BARMM lawmaker

Philstar.com
Kita ng Mamasapano rice farmers dumoble â BARMM lawmaker

MANILA, Philippines – Doble na ngayon ang kita ng mga magsasaka sa Mamasapano, Maguindanao del Sur sa pagbebenta ng palay, na nagbigay ng pag-asa na mula sa pagiging “war zone” ay maging “rice zone” ang bayan sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.” 

Inihayag ni Bangsamoro Transition Authority Interim member of Parliament Atty. Suharto Ambolodto ang malaking progreso na ito sa Mamasapano, at sinabing ibinebenta ngayon ng rice farmers ang palay sa halagang mahigit P22 kada kilo, mula sa dating P13 kada kilo lamang.  

“In Bagong Pilipinas of President Ferdinand R. Marcos Jr., a small farmers cooperative Al-Rahman Farmers MPC FARM with support from Army’s 601st Infantry Unifier Brigade of the 6th Infantry ‘Kampilan’ Division, Philippine Army with assistance from 6th Civil-Military Operations ‘Kasangga’ Battalion, CMO Regiment, Philippine Army embarked on a very humble effort to support the President’s food security program in erstwhile conflict affected areas in the SPMS (Shariff Aguak, Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano and Datu Salibo) box of southern Maguindanao in Central Mindanao,” sabi ni Atty. Ambolodto.

"From a low P13 per kilogram for palay, they are now selling for more than P22, almost double its earlier price, and more than double in volume. Farmers in Mamasapano used to earn only P65,000 per hectare at P13 per kilogram and 5 metric tons. Now at P22 per kilogram and 11.3 metric tons, one hectare can earn P248,000, or a P183,000 improvement," dagdag pa niya.

Sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., naitala ng Pilipinas ang pinakamalaking ani nito na 20.06 million metric tons ng palay noong 2023.

Ang direksiyon ng Malacanang tungo sa mas malakas na Filipino rice production ay nagbigay-daan din upang bawasan ng pamahalaan ang rice imports ng 300,000 metric tons.

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magkakaloob ang kanyang administrasyon ng mas malakas na suporta sa Filipino farmers sa kanyang pagbisita sa Candaba, Pampanga noong Sabado, February 3.

“With this ‘very meaningful’ feat for farmers, Mamasapano will now be known differently, from being a war zone to a rice zone,” wika ni Ricky Bunayog, kaklase ni MP Ambolodto sa National Defense College of the Philippines.

Nauna rito ay nagpahayag ng suporta ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) at ang Moro National Liberation Front (MNLF) kay Pangulong Marcos at sa kanyang Bagong Pilipinas campaign para sa pagkakaisa at pagbabago. 

Sa isang pahayag, sinabi ni Bangsamoro Government Chief Minister Ahod Ebrahim na naninindigan siya sa pagsunod sa matapat na implementasyon ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) tungo sa karapatan sa self-determination, kung saan kinikilala ng CAB ang katarungan at pagiging lehitimo ng mga layunin at hangarin ng Bangsamoro.

“We, therefore, urge everyone to help protect the gains of the peace process, let us continue to support the current administration and allow peace and civility to reign over the affairs of our land,” aniya.

Binigyang-diin din ni Ambolodto na sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign, matatamo ang kapayapaan at kasaganaan sa pamamagitan ng pagkakaisa at katatagan.

Ayon kay Ambolodto, napagtiisan na ng mga mamamayan ng Bangsamoro ang kahirapan at kaguluhan na dulot ng ilang dekadang armadong secessionism, subalit sa ilalim ng Bagong Pilipinas, hindi lamang pinagtibay ng BTA  ang priority legislations, kundi pinaigting din ang paghahatid ng mga serbisyo para sa kapakanan ng Bangsamoro.

Sa ilalim din ng Bagong Pilipinas, karamihan sa autonomous region ay nagiging higit na mapayapa, at nabawasan nang malaki ang banta ng “violent extremism”.

BARMM

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

PALAY

RICE FARMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with