Kabuhayan ng tobacco farmers depensahan sa WHO conference

Ang global treaty ay mayroong malaking gina­gampanan para umukit ng global tobacco policies, subalit nababahala ang farmer groups sa magiging epekto o resulta ng pulong sa kanilang pamumuhay.
Philstar.com / File Photo

Panawagan sa gobyerno

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga tobacco farmer sa pamahalaan na tulungan silang mapalawak ang produksyon gayundin maiangat ang ‘less harmful alternative’ sa sigarilyo para maitaguyod ang kanilang kabuhayan sa paparating na kumperensya ng World Health Organization global tobacco control.

Maghaharap ang mga delegado ng iba’t ibang bansa sa Panama sa Pebrero 5-10, 2023 para sa 10th Conference of the Parties (COP) sa WHO’s Framework Convention on Tobacco Control (FCTC).

Ang global treaty ay mayroong malaking gina­gampanan para umukit ng global tobacco policies, subalit nababahala ang farmer groups sa magiging epekto o resulta ng pulong sa kanilang pamumuhay.

“Our lives are deeply intertwined with tobacco farming,” ayon kay Leonardo Montemayor, dating agriculture secretary at board chairman ng Federation of Free Farmers.

Umasa si Montemayor na ang anumang resulta ng pulong ay magkaroon naman ng tiyansa na gumanda ang kanilang pamumuhay lalo na ang kondisyon ng tobacco farmer.

Sinabi naman ni Saturnino Distor, pangulo ng Phi­lippine Tobacco Growers Association, ang delegasyon ng Pilipinas ay mabisang makakapagtaguyod para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng paghahanay sa roadmap ng Department of Agriculture, ang Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).

Ang STEP ay isang estratehikong hakbangin tungo sa pagpapalakas ng katutubong pagtatanim ng tabako partikular na sa Mindanao.

Sinabi ni Distor na nakikita niya ang magandang kinabukasan sa tobacco farming sa bansa sa pamamagitan ng STEP lalo na sa ilalim ng regulasyon ng mas ligtas na alternatibo sa paninigarilyo gaya ng VAPES at e-cigarettes.

Show comments