^

Bansa

Abolisyon ng NTF-ELCAC isinulong ng UN Rapporteur

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Abolisyon ng NTF-ELCAC isinulong ng UN Rapporteur
nirekomenda ng bumibisitang si UN Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan sa pamahalaan na buwagin na ang Na- tional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nang humarap sa isang press conference kahapon sa Rockwell Business Center Sheridan, Mandaluyong City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nanawagan sa administrasyong Marcos Jr. si United Nations Special Rapporteur for Freedom of Opinion and Expression Irene Khan na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa hindi na umano ito akma sa ngayon.

 

Ikinatwiran ni Khan na ito ay makaraang ihayag ng gobyerno na muli nang bubuksan ang usapang-pangkapayaan sa Communist Party of the Philippines na naantala noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Inirekomenda rin ni Khan na maglabas ang administrasyon ng executive order na nagsasaad ng mahigpit na polisiya laban sa “red tagging”, maglabas ang Commission on Human Rights (CHR) ng eksaktong depinisyon ng “red-tagging” at “terror-tagging”, at magpanukala ng lehislasyon para dito.

Sinabi ng UN official na sa kaniyang pakikipag-usap sa mga civil society groups sa bansa, idinulog sa kaniya ang kanilang pangamba sa “red-tagging”, na iginiit ng gobyerno na hindi isang polisiya.

Bukod dito, muli niyang inirekomenda ang dekriminalisasyon ng kasong libelo sa Pilipinas upang hindi magamit ng mga nasa kapangyarihan para sikilin ang pamamahayag.

Partikular ring tinukoy ni Khan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na ginagamit na may “deadly effect” sa mga mamamahayag at lumilikha ng “chilling effect” sa kalayaan sa pamamahayag.

Sinabi niya na hindi dapat nagagamit ng mga may kapangyarihan ang resources ng gobyerno para protektahan ang mga sarili habang ang kabilang panig ay napapabayaan na walang proteksyon. Tinukoy niya ang napababayaang panig na ito ay ang mga mamamahayag.

Kaugnay nito, tinukoy rin ni Khan na nananatiling mapanganib ang Pilipinas para sa mga mamamahayag. Sa nakalipas na 18 buwan, nasa apat na mamamaha­yag ang napaslang sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

 

ARMED

CHR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with