^

Bansa

Davao solons nagpasalamat sa mabilis na tulong sa mga biktima ng baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Davao solons nagpasalamat sa mabilis na tulong sa mga biktima ng baha
Residents push a makeshift raft loaded with a motorcycle through floodwaters brought about by heavy rains in Propseridad town, Agusan del Sur province on southern Mindanao island on February 1, 2024. Floods and landslides triggered by torrential rain have killed six people in the Philippines, with one other person missing, rescuers said February 1.
AFP/Erwin Mascarinas

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang mga kongresista mula sa Davao Region sa tulong na ipinaabot nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region.

Ang pinakahuling tulong na ipinarating ng mga ito sa mga biktima ay ang 51,000 food packs at pag-endorse sa P150 milyong cash assistance.

Ayon sa mga kongresista ang pagtulong sa mga biktima ay nagbibigay ng konteksto sa kung ano ang Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos, na nakatuon sa isang all-inclusive plan para sa economic at social transformation ng mga Pilipino at mailapit ang gobyerno sa mga mamamayan.

Ang pasasalamat kina Marcos at Romualdez ay ipinaabot nina Davao Oriental Reps. Nelson Dayanghirang at Cheeno Almario, Davao del Norte Rep. Aldu Dujali, Davao de Oro Rep. Maricar Zamora, at PBA Partylist Rep. Migs Nograles. Sila ay nakatanggap ng tig-P20 milyong halaga ng cash assistance.

Si Davao del Norte Vice Gov. Oyo Uy ay nilaanan naman ng P10 ­milyon halaga ng ayuda na ipamimigay nito sa mga apektadong residente.

Ang pondo ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and ­Development (DSWD).

Inasikaso rin ni Speaker Romualdez, at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang pamimigay ng mga food pack.

“We are very grateful for the aid and food packs sent through the tireless efforts of our President and Speaker Romualdez. These will provide our constituents lifelines, especially those affected by the floods in Davao Oriental. This big gesture echoes loudly in our hearts,” sabi ni Zamora.

“Ito ang tunay na Bagong Pilipinas: mabilis na aksyon, tunay na serbisyo,” sabi naman ni Da­yanghirang.

DAVAO REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with