“The effects of a divided society, people, and our armed forces are unacceptable to every Filipino,” pahayag ng isang dating rebel soldier-turned senator sa gitna ng pagbabangayan ng mga public official at politician na nabibilang sa magkalabang grupo.
Nanawagan si Gregorio Honasan, isang four-time senator na naghain ng mga panukalang batas sa public order at pangmatagalang kapayapaan sa kanyang termino bilang miyembro ng Kongreso, sa mga national leader na magpakita ng kahinahunan at pinakamataas na antas ng pagkamakabayan at statesmanship “for the sake of our children, who always look up to us as examples of political unity.”
“Buong pagpapakumbaba kong hinihimok sina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng kahit sandaling panahon para sila’y magkasama at makapagsagawa ng isang makabuluhang talakayan tungkol sa mga isyu at alalahanin ng ating bansa sa kasalukuyan at sa hinaharap,” sabi ng dating senador, na pinaalalahanan ang mga hindi nagkakaunawaan sa pangangailangan ng bansa na magkaisa sa harap ng kasalukuyang global situation.
Binigyang-diin ng dating senador, na muling kumandidato bilang senador sa ilalim ng Marcos-Duterte UniTeam noong 2022 polls, ang kanyang paninindigan na may kakayahan ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang bansa nang mapayapa at mapigilan ang kahihinatnan ng watak-watak na lipunan.
“Mahal ko ang Pilipinas, mahal ko ang mga Pilipino, at hind ako natatakot na isakripisyo ang aking buhay gaya ng aking ginawa sa nakaraan. Titindigan ko ito kung ang nakararaming kababayan natin ang patuloy na magdurusa sa gitna ng tensyong political sa pagitan ng tinitingnan pa naman nating mga lider nasyunal,” ani Honasan.
“I have stood at the gates of the Presidential Palace in full combat gear many times in my life, both as a defender and attacker, driven by my conscience rather than an invitation or adventurism… and it was always my love for our country and our countrymen that had driven me to become a soldier, a public servant and an ordinary citizen,” dagdag pa niya.