MANILA, Philippines — Ihahatid ng India ang BrahMos cruise missiles sa Pilipinas sa lalong madaling panahon na bahagi ng purchase agreement na nilagdaan noong 2022, ayon sa ambassador ng India sa Pilipinas.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumara, wala silang timelime sa ngayon pero pipilitin nilang madala kaagad sa Pilipinas ang BrahMos missiles.
“We are working towards the earliest possible arrival; I don’t have a timeline at this moment, but it’s going to be soon,” anang ambassador.
Noong Enero 2022, ang administrasyong Duterte, sa pamamagitan ng noo’y Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay pumirma ng kontrata para sa pagkuha ng shore-based anti-ship missile system na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon.
Inihayag ni Lorenzana na ang BrahMos missiles ang pipigil sa anumang pagtatangka na pahinain ang soberanya ng bansa lalo na sa West Philippine Sea.’’
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Republic Day ng India, inulit ni Kumara ang suporta ng kanyang bansa para sa Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea.