Pamilyang Pinoy na walang makain, tumaas sa 3.7 milyon
MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga Filipino na nakararanas ng self-rated involuntary hunger o mga taong walang makain.
Base sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, nasa 14 porsyento o 3.7 milyong pamilya ang nakaranas ng pagkagutom sa huling quarter ng taong 2023. Isinagawa ang survey noong Disyembre 10-14, 2023z
Nabatid na ang naitalang 14 porsyento na involuntary hunger noong ika-4 na quarter ay mas mataas kumpara sa 10 porsyento o 2.6 milyong pamilya noong Setyembre 2023.
Ang 4% taas o 1.1 milyong pamilya ay naitala noong ikalawa at ikatlong quarters.
Ang Visayas ang nakapagtala ng mataas na self-rated hunger na may 19% at sinundan ng Mindanao na may 18%.
Nakapagtala naman ang Balance Luzon at National Capital Region na may tig-11%.
Nabatid na ang 18% self-rated hunger sa Mindanao noong Disyembre 2023 ay mas mataas sa 9% noong Oktubre 2023.
- Latest