Power grids ng Luzon,Visayas at Mindanao, konektado na
MANILA, Philippines — Konektado na ang power grids ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang switch on ceremony ng Mindanao-Visayas Interconnection project na nagkakahalaga ng P51. 3 bilyon sa Palasyo ng Malakanyang.
Dahil dito, pinuri ni Pangulong Marcos ang NGCP.
“It is the first time in the history of our nation that the three major power grids, those of: Luzon, Visayas, and Mindanao—are now physically connected,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“A 184-circuit-kilometer High-Voltage Direct Current submarine cable with a transfer capacity of 450 MW now connects the Mindanao and Visayas grids via Dapitan, Zamboanga del Norte and Santander in Cebu,” dagdag ni Pangulong Marcos.
“Indeed this interconnection will unlock enormous socio economic development potential for both Visayas and Mindanao. The realization of our one nation, one grid aspiration is definitely crucial turning point for this country in ensuring reliable power at all the times,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi ng NGCP na ang proyektong ito ay simbolo ng pagkakaisa ng Philippine grid at senyales ng full commercial operations ng interconnection.
“The milestone we are witnessing today is the culmination of almost 40 years of vision, studies and surveys, and finally, construction and energization of the Mindanao-Visayas Interconnection under NGCP. This is a testament of our dedication and commitment to fulfilling our mandate of improving, upgrading, expanding, and reinforcing the Philippine power grid”, sabi ni NGCP President and CEO Anthony L. Almeda.
Ayon sa NGCP, maituturing na mahalagang bahagi ang proyektong ito para sa economic development sa pamamagitan ng paghahatid ng matatag na power transmission services at magbibigay daan sa energy resource sharing.
Sinabi pa ng NGCP na makasaysayan ang proyektong ito dahil sinimulan itong planuhin noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at natapos sa kanyang anak na si Pangulong Marcos.
- Latest