^

Bansa

P45.63-M lotto jackpot solong tinamaan matapos kontrobersiya ng 'PCSO editing'

James Relativo - Philstar.com
P45.63-M lotto jackpot solong tinamaan matapos kontrobersiya ng 'PCSO editing'
Residents line up to place their bets at a lotto outlet along Paz and San Antonio Streets in Paco, Manila on January 22, 2024.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Instant multi-milyonaryo ang nag-iisang mananaya matapos manalo sa katatapos lang na Megalotto 6/45 nitong Miyerkules.

Nakuha kasi ng naturang lucky winner ang sumusunod na combination matapos ibola ng Philipppine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahapon: 05-12-19-01-28-08.

Wala pa namang inilalabas na balita kung saan nabili ang naturang winning ticket.

Kahit P45,638,809.60 ang kabuuan ng jackpot prize, hindi ito buong-buong makukuha ng naturang lotto winner alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sakop kasi ng 20% tax ang mga lottery winnings na higit sa P10,000.

Una nang sinabi ng PCSO na kinakailangang makubra ang mga papremyo sa loob ng isang taon. Mapupunta sa Charity Fund ng naturang ahensya ang pera kung sakaling mabigo ang winner makuha ito sa takdang panahon.

Nangyayari ito matapos aminin ni PCSO General Manager Mel Robles na ine-"edit" nila ang mga inilalabas na litrato ng mga nananalo sa lotto, habang sinasabing ginagawa raw nila ito para protektahan ang pagkikilanlan ng mga nabanggit.

Marami kasi sa ngayon ang nagdududa kung totoo ang mga nananalo sa lottery dahil na minamanipulang litrato ng PCSO. Aminado naman si Robles na "poorly edited" ang kanilang ginagawa.

Kamakailan lang nang magkasunod na araw napalanunan ang P640.65 milyon at P698.8 milyong jackpot prize para sa Superlotto 6/49 at Grand Lotto 6/55 — bagay na pumaypay sa duda nang maraming netizens.

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->