Nasalanta ng 'shear line' sa Davao, CARAGA mahigit 820,000 na — NDRRMC
MANILA, Philippines — Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga naapektuhang populasyon ng shear line sa Regions XI at CARAGA matapos ragasain ang mga nabanggit ng landslides at pagbaha.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, sinabing umabot na sa 820,091 ang mga nasasalanta ng sama ng panahon, kabilang ang:
- patay: 16
- sugatan: 5
- lumikas: 6,863
- nasa loob ng evacuation centers: 531
- nasa labas ng evacuation centers: 6,332
"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to P27,050,000 was reported in Region 11," dagdag pa ng NDRRMC.
"A total of 612 damaged houses are reported in Region 11, CARAGA."
Samantala, umabot na sa P78.11 milyong halaga na ang pinsalang naitala sa sektor ng agrikultura bunsod ng shear line, bagay na nakaapekto na sa higit 8,275 ektaryang lupain.
Umabot na sa 21 lungsod at munisipalidad sa ngayon ang isinailalim sa state of calamity, dahilan para magpatupad ng automatic "price freeze" sa mga batayang pangangailangan.
Bilang tugon, nasa P66.34 milyong halaga ng ayuda na ang naiaabot sa mga taga-Davao Region at CARAGA sa porma ng mga gamot, family food packs, hygiene kits atbp.
- Latest