^

Bansa

24 senador pinalagan 'People's Initiative' para sa Charter change

James Relativo - Philstar.com
24 senador pinalagan 'People's Initiative' para sa Charter change
Kuha kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ika-23 ng Enero, 2024
Video grab mula sa Youtube channel ng Senado

MANILA, Philippines — Nilagdaan ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas.

Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People's Initiative (PI) ngayong Martes.

"If this PI prospers, further changes to the Constitution can be  done with or without the Senate's approval, or worse, even absent all the Senators," sabi ng joint statement.

"Should Congress vote jointly in a constituent assembly the Senate and its 24 members cannot cast any meaningful vote against the 316 members of the House of Representatives."

"While it seems simple, the goal is apparent — to make it easier to revise the Constitution by eliminating the Senate from the equation."

Ngayong Enero lang nang ibulgar ni Rep. Edcel Lagman (Albay, 1st District) ang aniya'y suhulan para makakalap ng mga pirma para sa pagbabago ng naturang Saligang Batas.

Marami sa mga nagtutulak ng Charter change ay nais tanggalin ang mga restriksyon at limitasyon sa foreign ownership at investments sa mga industriya, serbisyo at likas-yaman sa ngalan ng "pag-unlad." Gayunpaman, pinapalagan ito nang maraming patriyotiko dahil sa diumano'y pagsusuko ng soberanya.

"It will destabilize the principle of bicameralism and our system of checks and balances," dagdag pa ng Senado.

"It is ridiculous that the Senate, a co-equal chamber of the House, which is needed to pass even local bills, will have a dispensable and diluted role in Charter change — the most monumental act of policymaking concerning the highest law in the land."

Kung saka-sakaling mailusot ito, wala na raw magagawa ang Senado kahit sa mga kontrobersyal na proposals gaya ng:

  • pagtanggal ng proteksyon mula sa 100% foreign ownership ng lupa
  • pagtanggal ng term limits o "no election" scenario sa 2025 o 2028

Ang naturang pahayag ay tanda aniya ng tindig ng Senado bilang "bastion of democracy" at pagpalag sa talamak na paglabag sa konstitusyon.

Resolusyon para sa Charter change

Nangyayari ang lahat ng ito kahit una nang inihain ni Zubiri ang Resolution of both Houses 6 sa layuning maamyendahan ang Article 12 (Section 11), 14 (Paragraph 2, Section 4) at 16 (Paragraph 2 Section 11) ng konstitusyon — para rin tanggalin ang mga restriksyon sa foreign investments, foreign ownership sa public utilities, atbp.

Una nang inayawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ang naturang PI para sa Cha-cha, pati na ang posibilidad ng pagbibigay ng 100% foreign ownership sa mga lupain ng bansa. Gayunpaman, aminado si Zubiri na pinapa-review na ni Marcos ang mga economic provisions.

Kamakailan lang nang sabihin ni retired Supreme Court chief justice Artemio Panganiban na kakarampot na amendments lang ang pwedeng mangyari sa ilalim ng PI, bagay na kinakailangang "malinaw at tiyak."

vuukle comment

1987 CONSTITUTION

BONGBONG MARCOS

CHARTER CHANGE

ECONOMY

INVESTMENTS

PEOPLE'S INITIATIVE

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with