^

Bansa

CSC nanguna sa Phl delegation sa Australia digital transformation strategy study

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Civil Service Commission Chairperson (CSC) sa pamumuno ni Chairperson Karlo Alexei Nograles ang delegasyon ng Pilipinas sa Digital Transformation Strategy and Implementation Benchmarking Study na ginaganap ngayon sa bansang Australia.

Ang naturang inisyatibo sa pag-aaral at pagpapaunlad ay nagpapakita kung paano nagsagawa ang mga ahensya ng pamahalaan ng Australia, sa mga antas ng Commonwealth at Estado, ng Digital Transformation. Ang pag-aaral ay ang una sa dalawang modyul na gaganapin mula 13-20 ­Enero 2024.

Ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng CSC, Department of Budget and Management, Department of Information and Communications Technology, National Economic and Development Autho­rity, at Department of Trade and Industry na inatasan gobyerno na ipakita ang buong responsibilidad para sa digital transformation, paghahatid ng serbisyo o pamamahala ng human resource sa data at mga digital na propesyonal sa serbisyong sibil ng Pilipinas.

Ang mga ahensyang ito ay nakabuo rin ng Digital Transformation Strategies o Roadmaps batay sa Digital Maturity Assessment na isinagawa sa nakaraang pagsasanay ng Australia Awards and Alumni Engagement Program (AAAEP).

Ang pag-aaral sa benchmarking ay bahagi ng isang long term strategy upang suportahan ang mga ahensya para matugunan ang mga hamon ng digitalization para sa serbisyo publiko ng gobyerno.

CSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with